Your daily dose of encouragement and Inspirations.

Let’s Talk about Ghosting: GHOST-TWO MO PERO GHOST-TWO KA BA?

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin

by Diana Nerie R. Galan

Bakit hindi na siya nagparamdam? Anong nangyari sa kanya? Ako ba ang mali o siya? Wala naman akong ginawa ah. Madalas nating maitanong ang mga iyan sa ating sarili noong hindi na siya nagparamdam. Kung saan emotionally attached ka na, bigla siyang maglalahong parambula. Sakit no? Yung paulit-ulit kang nagtatanong sa sarili mo kung saan ka nagkulang, kung saan ka nagkamali. Inalisan ka na ng tuluyan, minumulto ka pa rin ng alaala niya. Uy te gising, Ginhost ka na!

Narito ang ilan sa mga katangahang ginawa mo nung umaasa ka pang babalik siya.  

Well, “GHOST-TWO mo ang taong ito.” Obvious naman. Wag mo na ipagkailang hinahanap-hanap mo pa rin mga sweet talks niyo. Paminsan pa nga sine-screenshot mo. Dumating sa point na halos araw-araw inaabangan niyo ang texts at calls ng bawat isa. May mga linya pang ” Ayaw kita mawala”. Lowkey flexing pa na may “feeling in love” tapos itong ate mo hindi pa nakuntento pinalitan ang single ng ” in a relationship” na. Habang tumatagal, ikaw nalang pala nagmamahal sa kanya. Ikaw na lang pala itong umaasa.

Akala mo non, forever mo na kasi nga lahat ng gusto mong qualities na hanap mo nasa kanya-yung ala maginoo pero medyo bastos; yung bad boy look; yung chinito guy na mapapapikit ka rin kapang tumingin sa kanya; at marami pang iba. Alam mo sa sarili mong maaring sure ka na sa kanya pero hindi mo sure kung ganoon din siya sayo. 

Kahit mabaho ang kili-kili basta yong may abs na gusto mo go ka pa rin. Kahit na binabastos ka na, iniintindi mo pa rin kasi nga minsan lang tong gwapong ito. Tinatawagan ka lang tuwing gabi at minsan galit pa. Lambingin ka lang ng konti, wala na. Minsan ka lang sinabihan ng maganda, naihi ka na. At dahil marupok ka, balewala lahat ng pulang bandila. Wag ganoon fren! 

Nagsabi na ba siya sayo ng mga plans niya kahit ilang araw pa lang kayo nagkakausap? Pinaramdam ba niya sayong kasama ka na sa future niya kahit hindi pa kayo nagkikita? Isa ba yan sa mga patibong na ginamit niya para makuha ang iyong loob amiga? Madali lang para sa kanilang sabihin ang mga bagay nayon upang mailagay mo ang iyong sarili sa sitwasyong ” Ay, ito na talaga ito.” May mga relasyong nagwowork kahit bago palang at naging lifetime pa nga. Pero kung isa ka sa mga naghost na pinangakuan ng future, magtaka ka na.

Uso ngayon yung mga biglang nawawala. Akala mo kumain lang yun pala kinain na ng iba. Tatae lang ako pero hindi mo alam kung nakahugas na. Matutulog daw pero three years  na nakalipas bago nagising. Tapos ikaw naman itong TANGA, iginigiit sa sarili na babalik pa siya samantala tatlong taon ka nang walang narinig sa kanya. Pati playlist ng December Avenue, Agsunta, at ni Moira ay naubos mo nang pakinggan.

Lahat ng lyrics tagos sa puso. Ang malala pa habang pinakikinggan, marami kang naiisip kung nambabae ba siya, bumalik ba sa ex niya, nagfocus muna ba siya sa studies o career niya? Ang nakakapanikip pa ng dibdib ay ang katotohanang ” HINDI MO ALAM”.

Sabi nila, mas maigi na nalaman mo ang totoo kahit masakit kaysa naman iwan ka sa ere. Oo nga naman sino ba ang gustong maiwan ng hindi alam ang dahilan? Mas madaling tanggapin sa sarili na may pagkukulang ka kesa palagi kang mag-isip ng mga bakit at paano. 

Sayang.  

Kahit pala pilitin mong GHOST-TWOHIN siya, kung ang taong ito ay ayaw na, wala kang magagawa. Totoong ” It takes two to tango”. Kailangan mong tanggapin may closure man o wala na may mga bagay na kahit hindi sabihin kailangang intindihin. NA SADYANG WALA NA. .

Ayon kay Dr. Gwendolyn Seidman, Ph.D., isang Associate Professor of Psychology and Chair of the Psychology Department at Albright College sa Pennsylvania, Iwasan mo na ang mga bagay na nagpapaalala ng nakaraan. Pagkatapos mong iyakan yong one week na relasyon niyo, mga na screen record ng video calls, at mga texts niyang medyo dirty. Bumangon ka! Panahon na rin para isipin mo ang iyong sarili. Huwag nang hayaang malugmok sa kanyang paglisan. Dagdag pa niya, Dapat mong mapagtanto na sa klase ng kanyang pakikipaghiwalay na ghosting, ipinapakita lamang niya na hindi ito patungkol sa kung ano man ang pagkukulang mo, kundi ipahihiwatig niya na siya ang may problema at hindi ikaw.

Sa madaling salita, subukang magpatuloy nang mabilis at kumpleto hangga’t maaari. Panatilihin ang iyong karangalan at manatiling nakatuon sa iyong sariling kalusugan, kaligayahan at hinaharap,i-let go ang ghoster upang harapin niya ang epekto ng kaniyang immaturity at kawalan ng lakas ng loob sa konteksto ng isang relasyon.

Mapapasabi ka na lang na ISA KANG DUWAG!

At mapapakanta ka na lang ng….

‘Di ka sayang, ‘di kailangang manghinayang

‘Di ka sayang, ‘di kailangang patunayan

Sarili ay mahalaga kahit pa ano’ng tingin nila

Tanggap kita (* ko na )

-“Di Ka Sayang”, Ben and Ben

Tapos bigla siyang bumalik…

GHOST-TWO MO? LUHH ASA KA!

Share on Social Media

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin

Related Articles

About us

This is a collection of every man’s journey towards growth, development, fulfillment and success.

This website also showcases the pain, struggles, failures and criticisms one has to face in order to find his/her own place in this world.

- The Daily Life Theraphy

Trending Articles

Categories

Sponsors

Want to advertise on this site?